Ang Visual Art painting contest na isa sa mga aktibidad ng Magsaysay SK sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan

Ipinagdiwang ng Sangguniang Kabataan (SK) sa munisipyo ng Magsaysay ang taunang “Linggo ng Kabataan”, kung saan itinampok ang iba’t ibang aktibidad.

Naganap ito noong September 4-9, ayon kay SK Federation President Russ Vincent Cabrestante, na nagpagahag na bagama’t nasa gitna ng pandemya ay nais pa rin nilang ipagdiwang ang mahalagang araw sa kanilang bayan.

Aniya, ito ay sa ilalim ng nais nilang youth empowerment sa nakararaming kabataan. May paggabay ito na tema na “Transforming Food System: Youth Innovation for Human and Planetary Health”.

- Advertisement -

“We started September 4 at nagtapos kami ng September 9. Gusto kong kahit papaano ay maramdaman pa rin ng mga kapwa kabataan ko dito ang selebrasyon na ito at makapagbigay ng activity. Karamihan naman ay virtual,” pahayag ni Cabrestante, Sabado, Setyembre 11.

Ayon kay Cabrestante, isa sa mga aktibidad na kanilang ginawa ay ang pagbuo nang paligsahan sa paggawa ng mga face mask na mula sa indigenous materials na napapanahon sa gitna ng COVID-19.

Gumawa nang “do-it-yourself” (DIY) face masks ang mga kalahok mula sa SK ng mga barangay sa bayan ng Magsaysay na itinampok sa Creative Facemask Design Contest.

Nakuha ng SK Lucbuan ang unang pwesto na tumanggap ng premyong P1,500. Sinundan ito ng SK Danawan na tumanggap ng P1,000 at pumangatlo naman ang SK Igabas na tumanggap ng P500.

Kabilang sa iba pang aktibidad na isinagawa ang Spoken Poetry, Visual Arts Painting, Tiktok Challenge, at ML tournament.

“Ang ibang activity dito is virtual na, in-upload na lang at sinend sa amin at doon na kami nag-judge kung sino ang mananalo,” ani Cabrestante.

Sa huling araw ng pagdiriwang, isinagawa ang Information and Educational Campaign (IEC) sa lahat ng mga kabataan kung saan tinalakay ang iba’t-ibang programa na makakatulong sa pagpapatibay bilang isang kabataan at ang pagharap sa challenge ngayong nasa gitna ng pandemya maging ang pagkakaroon ng determinasyon sa sarili sa kanilang pag-aaral sa ilalim ng Distance Learning Scheme ngayong School year 2021-2022.

Previous articlePPCWD announces water service interruption in Brgy. San Pedro on September 13-14
Next articlePolice roundup: Apat na indibidwal arestado dahil sa rape, sexual assault, grave threat, child abuse
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.