Photo courtesy of Palawan PPO

Limang wanted ang inaresto ng awtoridad sa Barangay Pangobilian sa Brooke’s Point noong araw ng Miyerkules, Marso 30.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Angelito San Jose Julian, 45; Rizal Tagala Mabborang, Jr., 41; Jess Tamayo Valdez, 32; Benedicto Suplito Manabat, 36; at Dominador Allego Magdaluyo, 59, mga residente ng New Panay, Brgy. Maasin, ng nasabing bayan.

Ang lima ay inaresto ng operatiba ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Regional Trial Court (RTC) Branch 165 ng Brooke’s Point, Palawan, na may petsang March 23 ,2022 para sa kasong robbery with serious physical injury, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P180,000 bawat isa.

Ayon sa source ng Palawan News isang empleyado ng minahan sa bayan ang naging biktima ng mga suspek.

- Advertisement -

“Matagal na nilang nagawa ang krimen na ang itinuturong biktima ay ang security guard ng minahan, yun ang nagkaso sa kanila,” pahayag ng source.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Brooke’s Point MPS para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleHyun Bin and Son Ye Jin are finally married!
Next articleSSS chief announces extension of ACOP compliance deadline to June 30
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.