(Photos from PPO)

Limang wanted sa kasong murder ang magkakasunod na inaresto ng awtoridad sa Barangay Sta. Lourdes, lungsod ng Puerto Princesa nitong araw ng Lunes at Martes, Enero 24 at 25.

Sila ay kinilalang sina Teddy Marapao, Lito Jacob, Alfredo Batac, Mario Bulanon, at Edgar Verano, mga itinuturong suspek sa pagpatay kay Alfredo Rodriguez.

Si Rodriguez ay nasawi matapos na magtamo ng dalawang saksak at pinsala sa ulo nang tambangan ito ng isang grupo sa Brgy. Sta. Lourdes, noong Mayo 5, taong 2016.

Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Leah E. Delos Reyes-Baguyo ng Branch 48, Regional Trial Court.

- Advertisement -

Tumangging magbigay ng pahayag ang lima na ngayon ay nasa kustodiya ng Puerto Princesa City Police Station 2.

Previous articleCOVID-19 spreading in booster vaccination events in PPC
Next articleAgri damage caused by Odette placed at P45M
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.