Limang indibidwal ang inaresto sa iba’t-ibang munisipyo sa lalawigan ng Palawan ng mga awtoridad mula August 9-10 dahil sa mga isinampang kaso laban sa kanila kabilang ang robbery with homicide, staturory rape, acts of violence, at attempted murder.
 
Sa ulat na inilabas ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, ang mga ito ay kinilalang sina Lope Arquio III, 27; Reynaldo Navarro, 40; Frederick Moreno, 31; Vicente Rodriguez Braganza, 31; at Roel Jardin Manga, 30.
 
Unang naaresto si Arquio sa Barangay Sandoval sa bayan ng Bataraza noong August 9, dahil sa kasong robbery with homicide at sa bisa ng warrant na ibinaba ng korte na may petsang May 3, 2021. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan at siya ay nasa kustodiya ng pulisya sa ngayon.
 
Naaresto din si Navarro sa Sityo Tagbariri, Brgy. Magsaysay, Aborlan noong August 9 dahil sa kasong three counts of statutory rape matapos ibaba ni Judge Jocelyn Sundiang-Dilig ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47 ang warrant na may petsang July 9 laban sa kanya. Walang inirekomendang piyansa ang korte para suspek na pansamantala ngayong nakapiit sa Aborlan Municipal Police Station (MPS).
 
 
August 10 nang naaresto naman si Moreno sa Brgy. 4 sa bayan ng Roxas dahil sa kasong acts of violence o paglabag sa Section 5(i) ng “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” at si Braganza para naman sa kasong attempted murder.
 
Si Moreno ay inaresto sa bisa ng warrant na ibinaba ng korte noong August 2, 2021, kung saan, may itinakdang piyansa na P72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan, samantalang si Braganza naman ay binabaan ng warrant noong June 16, 2020 at may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
 
August 10 din nang maaresto si Manga sa Brgy. Bogtong, sa bayan ng Busuanga dahil sa kaparehong kaso na mayroon din na itinalagang piyansa na P120,000 base sa warrant na ibinaba ni Judge Paul Jagmis.

- Advertisement -
Previous articleReyes camp decries arrest warrant, says it is all politics
Next articleProvince records increase in COVID-19 cases this week; still no Delta variant
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.