Limang munisipyo sa bahaging sur ng lalawigan ng Palawan ang na-identify bilang high-risk for COVID-19 sa inilabas na talaan ng DOH-MIMAROPA Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).

Ang nasabing datos ay nakasaad Advisory No. 12 na inilabas ng RESU noong August 3 na ipinadala sa lahat ng Local Vaccination Operations Center and Implementing Units (LVOIUs) at Local Government Units (LGUs).

Ang limang bayan ay kinabibilangan ng Aborlan, Brooke’s Point, Narra, Quezon, at Rizal.

- Advertisement -

Sa COVID-19 bulletin na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong August 13, sa limang munisipyo na napabilang sa “high-risk” ay may pinakamataas na bilang ng COVID-19 ang bayan ng Narra na mayroong 52 RT-PCR confirmed at 20 antigen reactive cases. Sinundan ng Rizal na may 25 RT-PCR confirmed at isang antigen reactive; Brooke’s Point na may 15 RT-PCR confirmed at 11 antigen reactive; Aborlan na may 17 RT-PCR confirmed at pitong antigen reactive; at Quezon na may 16 RT-PCR confirmed at zero antigen reactive cases.

Sa tatlong munisipyo naman na hindi “high-risk”, ang Bataraza ay mayroong 12 RT-PCR confirmed at anim na antigen reactive; ang Balabac ay may 13 RT-PCR confirmed at zero antigen reactive; at Sofronio Española na mayroong 14 RT-PCR confirmed cases at isang antigen reactive.

Sa panayam kay Aborlan Mayor Celsa Adier, sinabi niyang sa kabila ng pag-identify sa kaniyang bayan bilang “high-risk” ay tuloy-tuloy ang koordinasyon ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) sa lahat ng barangay upang mas lalong mahigpit na maipatupad ang mga health protocol laban sa banta ng COVID-19.

Nagpaptuloy din aniya ang vaccination program sa pangangasiwa ni Municipal Health Officer Dr. Fidel Salazar.

“Tuloy lang ang MHO sa pagbabakuna dito. Naniniwala tayo na malaking tulong itong bakuna para magkaroon ng laban ang mga kababayan natin sa virus. Kaya panawagan natin sa lahat na patuloy na sumunod sa mga restrictions natin,” pahayag ni Adier, Sabado, August 14.

Panawagan ni Adier sa mga residente ng bayan na nais magpabakuna ay magtungo lamang sa MHO upang maitala at mapabilang sa mga mabibigyan ng bakuna.

Samantala ayon naman kay Rizal Mayor Otol Odi, naniniwala siyang malaki ang maitutulong ng bakuna upang bumaba ang local transmission ng COVID-19 sa kaniyang bayan.

“Karamihan ay sa Barangay Candawaga ang mga cases natin nitong mga nakaraang buwan. Ang doktor natin dito at MHO marami pang mga schedule sa pagbabakuna at may mga nakatapos na rin sa second dose nila,” pahayag ni Odi.

Previous articlePPUR holds reforestation activity to protect forest corridor
Next articleEDITORIAL: The PALECO privatization agenda before the House
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.