- Advertisement by Google -

Arestado ang limang kalalakihan nang pasukin ng mga awtoridad ang isang ilegal na sabungan sa Purok 2, Brgy. Sandoval, Taytay, Palawan, bandang 1:30 kahapon, July 29.

Huli sa akto ng ilegal na pagsusugal ang 41 taong gulang na si Jurilin Villafuerte Repe, 24 taong gulang na si Godofredo Repe Rehente, 34 taong gulang na si Elinito Magdayao Repe, 52 taong gulang na si Freddie Opanda Palo, at 34 taong gulang na si Robert Janoras Francisco, mga residente ng Brgy. Busy Bees sa nasabing bayan, habang nakatakbo naman ang iba nilang kasama.

Narekober ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station (MPS) at 401st Battalion, 401st Mobile Company (MC) Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa lugar ang apat na sasabunging manok at isang patay na may nakakabit pang mga tari, ilang cock fighting paraphernalia, at pera mula sa mga suspek.

Nasa kustodiya ngayon ng Taytay MPS ang apat na nakatakdang sampahan ng mga kaso dahil sa paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Act.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleSHOT PUNO! Sandara Park reunites with “little brother” BamBam over pinoy beer
Next articleApat na pinaghahahanap ng batas, sabay-sabay na naaresto sa magkakaibang bayan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.