Dec 5, 2020

Lider ng sindikato ng droga sa Puerto Princesa, inaresto sa airport sa Aklan

Sa report na nakuha ng Palawan News noong Linggo mula sa Kalibo Municipal Police Station (MPS), kinilala itong si Fermin delos Reyes na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ngunit nakatakas sa buy-bust na ikinasa ng Police Station 1 sa lungsod noong September 11, 2020. 

Naaresto sa Kalibu Airport sa Aklan ang sinasabing lider ng sindikato ng droga sa Puerto Princesa City na nagtangkang tumakas noong hapon ng November 14.

Sa report na nakuha ng Palawan News noong Linggo mula sa Kalibo Municipal Police Station (MPS), kinilala itong si Fermin delos Reyes na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ngunit nakatakas sa buy-bust na ikinasa ng Police Station 1 sa lungsod noong September 11, 2020.

Napag-alaman mula kay P/Cpl. Dondi Meron ng Kalibo MPS na inaresto si Delos Reyes sa pagtutulungan ng kanilang intelligence unit, Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), at Anti-Crime Task Force (ACTF).

Aniya, tumungo ang intel operatives sa pamumuno ni P/Cpt. Ricky Waniwan sa airport para madakip ang tumakas na suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba laban dito ni Judge Angelo Arizala ng Branch 52 ng Palawan Regional Trial Court (RTC).

Si Delos Reyes ay nakatakas noong September at tanging ang kasama na si Gener Gabuco ang naikulong sa Puerto Princesa City Jail.

Ayon kay P/Cpl. Orlando Devis, si Delos Reyes ang source ni Gabuco ng droga na itinutulak diumano sa lungsod.

“Magka-kuntsaba… conspiracy kasi yan silang dalawa. Nakatakas lang yan si Fermin. Yan ang source ni Gener Gabuco. Dyan nahuli [si Gabuco] sa San Pedro sa Libis,” pahayag ni Devis.

Ayon naman sa pinuno ng ACTF na si Richard Ligad sa kanyang post sa social media, nagtangkang magtago si Delos Reyes sa Kalibu ngunit matagumpay itong naaresto.

“Ito ay nag-attempt magtago sa Kalibo matapos makatakas sa buy-bust operation ng PS1 kung saan ay nahuli ang kanyang kasabwat sa pagbebenta ng iligal na droga na si Gener Gabuco. Si Fermin delos Reyes ay naka-plea bargaining lamang sa dati nitong kaso tungkol sa iligal na droga,” pahayag ni Ligad.

Walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Delos Reyes.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry