Larawan mula kay John Silver Edonga

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Valentine’s Day, isinagawa sa bayan ng Busuanga ang libreng mass wedding sa pangunguna ni mayor Elizabeth Cervantes nitong Lunes ng umaga, Pebrero 14.

Nasa 14 na pares ang sabayang ikinasal sa municipal grounds na sinundan ng munting salu-salo.

Ayon kay Cervantes, ang libreng kasalan ay isinasagawa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso upang mabigyan ng pagkakataon ang mga magsing-irog na nais magpakasal ng libre sa kanilang bayan upang hindi na mahirapan ang mga ito dahil sa gastos na rin ng pagpapakasal sa ngayon.

Larawan mula kay John Silver Edonga

“Wala namang pinagkaiba, gusto natin na makalibre na sila at every year sa February 14 tayo nagsasagawa ng libreng kasalan in connection sa Araw ng mga Puso,” pahayag ni Cervantes, Pebrero 15.

“Kahit hindi naman sa ganitong sitwasyon o espesyal na araw, may mga isinasagawa rin tayong libreng kasal para sa mga nais magpakasal,” dagdag niya.

Dumalo sa libreng kasalan ang ilang mga opisyal ng Busuanga kasama si Vice Mayor Elvin Edonga at mga miyembro ng Sanguniang Bayan.

About Post Author

Previous articlePastor Nuñez says ‘it’s time for a spiritual leader’ to become Puerto Princesa mayor
Next articleMarinduque Celadon Jar returns to its home province
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.