(File Photo)

Naglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng Sofronio Española na nagbabawal sa pagpunta sa mga sementeryo sa lahat ng barangay ng bayan simula sa araw ng Sabado hanggang Martes, October 30-November 2, ng taong kasalukuyan.

Sa ilalim ng Memorandum Order No. 34 na nilagdaan ni Mayor Marsito Acoy noong Lunes, October 25, inatasan ang mga miyemro ng Municipal Police Station (MPS) at mga opisyal ng barangay na magbantay sa mga sementeryo upang walang makapasok na dadalaw sa mga puntod.

Pinayuhan din ang mga residente na dumalaw na sila sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay nang mas maaga o dili kaya ay sa November 3 na ito gawin.

Ang nasabing kautusan ay inilabas bilang bahagi pa rin ng pagtalima sa kautusan ng National Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na isara ang lahat ng sementeryo sa buong bansa sa mga nabanggit na petsa, bilang bahagi pa rin ng pagpapatupad ng minimum health protocols kaugnay ng pandemyang dala ng COVID-19.

- Advertisement -

“Local enforcement units such as the PNP personnel and barangay tanods shall be mobilized to ensure effective and smooth implementation of this order,” bahagi ng MO.

Ayon naman kay Kapitan Toto Gatungay ng Barangay Panitian, ipinag-utos na rin niya ang mahigpit na pagbabantay sa sementeryo para sa mga nabanggit na araw upang matiyak na walang lalabag sa kautusan.

“Para maiwasan ang mass gathering, sundin natin at pakiusap sa mga pamilya huwag na muna pumunta. Magdi-deploy tayo ng tanod para magbantay,” pahayag ni Gatungay.

Previous articleHoliday hues from SM Home
Next articlePuerto Princesa eyes anti-pneumonia immunization program expansion
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.