Jul 2, 2020

LGU employee na inaresto dahil sa pagsasabong, dapat managot – Mayor Acoy

“Nabigla ako na may isa tayong empleyado dito sa LGU na nasa gitna tayo ng krisis ay nagawa pang ma-involve sa sabong o tampor at hindi natin ito ito-tolerate dahil batas ito,” pahayag ni Acoy sa Palawan News.

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Ikinagulat ni mayor Marsito Acoy ng munisipyo na ito ang pagkakasangkot ng isa nilang empleyado sa iligal na operasyon nang pagsasabong o tampor noong June 14.

Ayon sa kanya, hindi kukunsintihin ng kanyang pamunuan ang paglabag ng sinasabing empleyado na si Anden Sintik, 49, at nagtratrabaho bilang messenger ng isang opisina sa pamahalaang bayan ng Sofronio Española.

“Nabigla ako na may isa tayong empleyado dito sa LGU na nasa gitna tayo ng krisis ay nagawa pang ma-involve sa sabong o tampor at hindi natin ito ito-tolerate dahil batas ito,” pahayag ni Acoy sa Palawan News.

Ayon kay Acoy, dapat talagang papanagutin sa batas si Sintik matapos masangkot sa illegal gambling activity.

Inaresto si Sintik habang isinasagawa ang sabong sa Brgy. Pulot Shore dakong alas singko ng hapon noong June 14 kasama pa ang ilang residente.

“Kaso yan kaya dapat harapin niya at ayaw nating tayo pa sa LGU ang nai-involve sa mga ganitong gawain lalong lalo na nasa gitna pa tayo ng krisis ngayon,” giit ni Acoy.

Si Sintik at iba pang mga kasama nito ay nahaharao sa paglabag sa Presidential Decree (PD) 449 o Cockfighting Law 1974) as amended by PD No. 1602.

Sa susunod na linggo nakatakdang maghain ng bail sila Sintik, ayon kay P/SSg. Noel Fabrigas, ang imbestigador ng kaso.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry