Nagsagawa ng assessment ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng bayan ng Brooke’s Point upang masukat ang epekto ng malawakang pagbaha sa bayan dulot ng low pressure area.

Isa sa mga nakita sa pagpupulong ay ang hindi umano maayos na pagkuha ng graba ng mga quarry operators sa mga ilog, hindi maayos na drainage at ang pagputol ng mga punong kahoy dahil sa kaingin ang naging dahilan ng pagbaha.

Maliban dito, napag usapan din ang pagpapalakas sa MDRRMO Brooke’s Point lalo na sa kanilang mga kagamitan. Sa kasalukuyan at mayroong kakulangan sa mga kagamitan sa pag rescue tulad ng rescue rubber boats ng mga nangangailangang barangay at maayos na pamamahagi ng pagkain (food packs) para sa mga evacuees.

Problema ngayon sa bayan ng Brooke’s Point ang mahigit dalawang linggo ng pagkawala ng tubig dahil walang magagamit para sa paglilinis ng putik sa bawat bahay na nabahaan gayon din ng inuming tubig ng mamayan.

“Hirap po ang mga tao ngayon kahit humupa na ang baha dahil wala silang magagamit na tubig pang-inom at panglinis sa putik sa kanilang bahay,” ayon kay Kapitan Rodora Rasimo ng Bgy. Mambalot

“Nasira po ang ilang tubo sa ating water system dahil sa lakas ng tubig baha sa ilog at at paglandslide kung kaya masyadong naapektphan ang mga tubo at naputol. Pero sinisikap po nating maisaayos ito sa lalong madaling panahon para maibalik ang daloy ng tubig,” ayon kay Bernard Quijano Municipal Economic Enterprise and Development Officer.

Ayon naman kay Brooke’s Point Mayor Cesareo Benedito Jr., kanilang sisikapin na masolusyunan ang mga hinaing ng bawat mamamayan ng kanilang bayan.

“Mamaya pagkatapos ng ating meeting ay magpupulong kaming muli para mabigyang solusyon ang mga naitala na hinaing ng bawat isa, uunahin nating bigyan ng solusyon ang mga sitwasyon na lubos na nakaapekto at pangangailangan ng mamayan” sabi nito.

About Post Author

Previous articlePinaghihinalaang pusher, arestado sa Brgy. San Pedro
Next articleMga evacuees sa Brooke’s Point, nagkaroon na ng ubo, sipon, sore eyes, at pagsakit ng tiyan
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.