Ang file photo sa istorya na ito ay hiram mula sa ADB.org

Natuloy na ang pagsasagawa ng Licensure Examination for Teachers (LET) para sa 874 na examinees sa lalawigan ng Palawan matapos itong maantala noong nakalipas na taon dahil sa COVID-19.

Nangyari ang LET noong September 26 sa Palawan State University (PSU) sa tulong ng pamahalaang panlalawigan, katuwang ang iba pang ahensya.

Lagpas sana ng 2,000 ang kukuha ng LET, ngunit hinati ang bilang ng lagpas ng 1,000 dahil sa health protocols. Ayon sa PIO, sa kabuoang bilang ay 874 lang ang naka-comply ng requirements para makakuha ng LET sa walong classrooms para sa mga examinees.

Pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ang mga kinakailangang logistics at full-coordination para sa mga kawani ng Professional Regulations Commission (PRC)  na tumungo sa Palawan upang mangasiwa sa examination.

- Advertisement -

Dahil kabilang ang Palawan sa napiling maging testing center na pinayagang makapagsagawa ng on-site examination sa bansa, mahigpit ang naging panuntunan nito dahil sa ilang standard health protocols na kailangang sundin upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, bukod pa rito ang ibang requirements na kailangang isumite bago ang nakatakdang examination.

Katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagsasakatuparan ng naturang LET ang city government of Puerto Princesa at PSU. Napanatili rin ang seguridad at kaayusan ng mga examinees sa tulong ng Philippine National Police (PNP).

Samantala, nagpaabot din ng tulong sina Palawan 3rd District Rep. Gil Acosta at dating House representative Antonio Alvarez na nagbigay ng iba pang pangangailangan ng mga kawani ng PRC sa pagsasakatuparan ng LET exam sa Palawan.

Previous articleModule distribution sa mga pampublikong paaralan sa Brooke’s Point hindi pa rin nagsisimula
Next articleTourism industry in PH to ‘build back better’: DOT chief
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.