Sasampahan ng kasong frustrated homicide ang isang lalaki matapos nitong pukpukin ng martilyo sa ulo kanyang kasamahan at kainuman noong Huwebes, August 4, sa Employees Village, Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Ayon sa report ng Police Station 2, nag-iinuman ang suspek at biktima nang mauwi ito sa mainit na pagtatalo.

Kinilala ang suspek na si Ryan Cabrera Aguila, 32, habang ang kainuman nito ay kinilalang si Sonny Garate Rosas, 52.

Isinugod sa Ospital ng Palawan ang sugatang si Rosas habang dinala naman ng mga barangay tanod si Cabrera sa Police Station 2.