(Screen grab from Google Maps)

Isang 28 taong gulang na lalaki na diumano ay lasing ang naaksidente sa national highway sa Purok Matatag, Barangay Panacan 2, Narra, 10:30 ng gabi nang Oktubre 2 dahil sa hindi napansin na ginagawang bahagi ng kalsada.

Kinilala sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) ang naaksidente bilang si Robert Bea Gutierrez, residente ng Purok Masagana Brgy. Panacan 1 sa natura rin na bayan.

Ayon sa PPO, iniulat ng isang concerned citizen ang nangyaring aksidente kay Gutierrez sa national highway. Base sa kanilang imbestigasyon, mula sa norteng direksyon patungo ng south ay hindi nito napansin ang ginagawang kalsada kaya nag-crash.

Ang biktima ng aksidente na si Robert Bea Gutierrez, 28, habang inaalalayan ng rescuer ng Narra MDRRMO. (Photo courtesy of Palawan PPO)

Nasa impluwensya din umano ito ng alak kaya naaksidente. Dinala ng Narra MDRRMO ang biktima sa Narra Municipal Hospital kung saan ito nagpapagaling.

- Advertisement -

Previous articleDanao eyes Narra mayoralty as PPP declines to nominate any candidate
Next articleEDITORIAL: Devil in the details: the MORE buy-in into PALECO