Inaresto ng mga operatiba ng Coron Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaking wanted sa kasong double murder sa Barangay Guadalupe, bayan ng Coron dakong 3:00 nang hapon, araw ng Martes, Nobyembre 3.

Ang suspek ay kinilalang si Rodolfo Bulala Calanugan, 43 taong gulang.

Si Calanugan ay nasa listahan Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang isang most wanted at may nakalaang reward na halagang P90,000 para sa kanyang ikadarakip.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Edward B. Contreras ng Regional Trial Court Branch 19 ng Roxas City, na may petsang October 28, 2003, para sa kasong double murder, at walang nakalaang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

- Advertisement -

Ayon kay P/Cpt. Ervin Plando, nangyari ang krimen sa Roxas City, Capiz noong taong 2003 kung saan ay inatake ng suspek na si Calanugan, kasama ang tatlong iba pa, ang kanilang biktima hanggang sa mapatay.

Kinilala naman ang mga kasamahan nito na sina Jonh Michael Aranza, Rodel dela Cruz at isa pang hindi na pinagalanan na ngayon ay nakakulong na rin.

Dagdag ni Plando, sinabi ng suspek na wala siyang kinalaman sa nasabing krimen at nadamay lamang dito.

“Apat silang suspek, binugbog at pinagsasaksak nila ang biktima gamit ang kutsilyo. Matagal na ang case na ‘yan. After kasi noon, nagtago na yan sa kapatid niya dito sa Coron,” pahayag ni Plando.

Previous articleMalasakit Center sa bayan ng Brooke’s Point pinasinayaan
Next articleCelebrate the joy of Christmas together at SM
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.