Isang 27 taong gulang na lalaki na nahaharap sa kasong child abuse at pinaghahanap ng batas ang inaresto ng operatiba ng Roxas Municipal Police Station (MPS), katuwang ang 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PPMFC) at PHPT-Palawan, sa Barangay San Rafael, Puerto Princesa City, araw ng Biyernes, Nobyembre 12.

Ang suspek ay kinilalang si Albert Cayapas, residente ng Brgy. Binduyan. Inaresto siya sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng Branch 47 ng Regional Trial Court na may petsang September 8, 2021, dahil sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 7610 o ang Anti Child Abuse Law sa ilalim ng Criminal Case No. 41548.

Naglaan ang korte ng piyansa na nagkakahalaga ng P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Roxas MPS para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleMga drug surrenderees sa bayan ng Rizal bumubuti na ang kalagayan ayon sa MADAC
Next articlePPC relaxes travel restrictions for fully vaxxed residents