Si Ramos ay nasa listahan ng high-value individuals (HVI) at kabilang umano sa mga most wanted person ng Palawan dahil sa patong-patong na kaso nito na may kaugnayan sa droga. (Larawan mula sa PPPO)

Isang lalaking pinaghihinalaang nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa Palawan ang nadakip ng awtoridad sa Taguig sa Metro Manila, nitong araw ng Biyernes, Enero 28.

Kinilala itong si Eladio Gripon Ramos Jr., alyas Mackoy Gonzales o Mac Mac, na inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Palawan Police Provincial Office (PPPO), El Nido Municipal Police Station (MPS), at Palawan Drug Enforcement Unit (PDEU), katuwang ang iba pang unit ng pulisya sa Metro Manila, sa C6 Road, Barangay New Lower Bicutan, dakong 5:30 ng hapon.

Si Ramos ay nasa listahan ng priority high-value individuals (PHVI) at kabilang umano sa mga most wanted person ng Palawan dahil sa patong-patong na kaso nito na may kaugnayan sa droga. Bago maaresto, siya ay nakatira sa Purok Uno Isla Puting Bato, Barangay 20, Tondo, Manila.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng Branch 164 ng Regional Trial Court (RTC), Roxas, Palawan, para sa kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 12, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002.

- Advertisement -

Dalawa sa kanyang kaso ay may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P200,000 at P40,000 samantalang ang isa naman ay walang inilaang pyansa.

Si Ramos ay nauna nang nahuli sa isang buy-bust operation sa bayan ng El Nido noong 2016 subalit nakatakas diumano at nagpalipat-lipat ng lugar kung kaya nahirapan ang awtoridad sa pagtugis sa kanya.

Ang naturang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Sub-station 9 ng Taguig Police Station at nakatakdang dalhin sa lungsod ng Puerto Princesa upang isalin sa pangangalaga ng PPPO para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleBusuanga nagtala ng 53 kaso ng COVID-19 ngayong buwan ng Enero
Next articleTwo weather systems bringing localized thunderstorms, cloudy skies
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.