Kinilala ang suspek na si Aldwin Dave Ortigoza.

Isang lalaki ang inaresto ng mga tanod ng Barangay San Manuel matapos na lumabag sa ipinatutupad na curfew at mambastos ng barangay official nitong Sabado ng gabi, Mayo 29.

Ayon kay kapitana Gloria Miguel, bandang alas nueve na ng gabi nang dumaan sa checkpoint sa mismong harap ng barangay hall ang suspek na kinilalang si Aldwin Dave Ortigoza sakay ng kanyang tricycle.

Dagdag pa ni Miguel, lasing si Ortigoza nang sitahin ito ng mga tanod. Sa mahigit sampung sinita ng mga tanod na lumabag sa curfew at dinala sa barangay hall para paliwanagan tungkol sa curfew, siya lang ang tanging matigas ang ulo.

“Dito lang naman sa harap ng Barangay Hall hanggang sa may kanto, nakasanayan na ng marami na parang mga bastos na daan ng daan sa harap kahit na curfew hours na. Kagabi, nabigla sila dahil marami ang tanod na nakabantay,” pahayag ni Miguel.

“Habang kinakausap ko sila, siya ang salita ng salita at sinasabi niyang, mangti-ticket pa kayo, na sa dami na ngang naghihirap.  Tapos, pinagmumura niya ako, at saka ibang mga tao, tanod doon sa opisina,” dagdag niya.

Tumanggi  din umano ang suspek  na magbigay ng kanyang pangalan at iba pang impormasyon na kinakailangan para sa dokumentasyon sa barangay. At sa kabila ng banta ng mga tanod na maari siyang kasuhan at madala sa himpilan ng pulisya ay hindi to patuloy pa rin pagmumura at pag-kwestyon sa panghuhuli ng barangay.

Dahil dito ay napilitan ang mga tanod da dalhin si Ortigoza sa himpilan ng pulisya upang sampahan ng reklamo.

Araw ng Linggo ay ay isinailalim na ito sa inquest proceedings sa piskalya kung saan siya ay sinampahan ng kasong Disobedience to Person in Authority kaugnay ng Republic Act 11332 at ang kanyang tricycle ay naka-impound ngayon sa barangay hall.

Samantala, ang ibang nahuling lumabag sa curfew ay in-issue-han ng citation ticket at pinagsabihan bago pinauwi.

Previous articleDante intensifies into tropical storm
Next articleIlang tanggapan sa Roxas municipal gov’t, pansamantalang sarado para sa disinfection
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.