Sugatan ang isang 28 taong gulang na lalaki matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa harap mismo ng barangay hall ng Brgy. Maasin sa bayan ng Quezon, alas otso kagabi, January 27.

Ayon sa report ng pulisya, pauwi na ang biktimang si Pedrito Jamisolamin Teñafrancia sa kanyang bahay mula sa isang handaan nang bigla na lang itong pagbabarilin ng hindi pa matukoy na bilang ng suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Tama sa kaliwang sakong at bahagi ng puwetan ang natamo ng biktima na nagpapagaling na sa pagamutan.

Samantala, narekober ng mga pulis ang apat na fired cartridges at isang slug ng kalibre .45 pistol sa lugar ng insidente

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng nga nasa likod ng pamamaril.

About Post Author

Previous articleImprovised tire spikes scattered in Brgy. Bancao-Bancao pester motorists
Next articleCapitol defends seal change, claims it is to establish identity
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.