brgy tiniguiban ppc map

Pinagsasaksak ng dalawang construction worker ang isang tricycle driver matapos magkapikunan ang mga ito sa isang painuman sa Brgy. Tiniguiban, bandang alas tres kaninang umaga, November 23.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulisya, kinilala ang bikitimang si Mark De Lima habang ang mga suspek naman ay sina Elfredo Tolentino at Benjie Piojo, pawang mga construction worker at residente ng Brgy. San Jose.

Kitang-kita sa CCTV footage ng painuman kung paano pagsusuntukin ng isa sa mga suspek ang biktima at ang kasama nito. Maya maya pa ay bumunot ng patalim ang isa sa mga suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa kaliwang leeg at mukha nito.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima. Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat mula sa mga awtoridad kung ano na ang kalagayan nito.

Sinubukang tumakas ng mga suspek ngunit agad naman silang naabutan ng mga awtoridad.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Puerto Princesa City Police Station 2 ang dalawang suspek para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

About Post Author

Previous articleNickel Asia claims environment awards on the heels of financial achievements
Next articleSchooling The Competition: How A Teacher Became an Ironman
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.