Patay  ang isang 50 taong gulang na lalaki sa Brgy. 1, Roxas, sa northern Palawan, matapos itong pagsasaksakin ng dalawang lasing na construction worker na napagkamalan siyang nambato sa kanila noong umaga ng December 18.

Ayon sa report mula sa Roxas Municipal Police Station (MPS), pauwi na galing sa inuman ang 25 taong gulang na si John Eric Bungay, alyas “Eric”, at 27 taong gulang na si Noel Bungay, alyas “Bitoy”, na tinamaan nang sila diumano ay pagbabatuhin.

Nang kanilang linguin kung saan nanggaling ang bata, at hanapin kung sino ang mga gawa nito, sakto nilang nakita ang biktima na si Johnny Tero na agad nilang pinaghinalaan. Pinagtulungan ng dalawang suspek na siya ay saksakin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan..

Isinugod si Tero sa Roxas Medicare Hospital, ngunit idineklarang patay na ng attending physician.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang patalim na ginamit ng mga suspek na may habang 30 centimeters.

Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Roxas MPS matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation.

About Post Author

Previous articleCivil society groups vow continued protest against coal plant
Next articleAlitan dahil sa inuman, naging dahilan ng pananaga
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.