PN file photo

Isang lalaki ang nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder matapos na masaksak nito ang umano ay nambastos sa kanyang kapatid sa White House, Lomboy Street, Barangay San Jose, Puerto Princesa City, bandang 2:40 kaninang madaling araw, Mayo 13.

Kinilala ang suspek na si Ryan Jarden Garcellano, 21 taong gulang, residente ng nasabing lugar, habang ang biktima naman ay kinilalang si Jomarie Concepcion Davatos, 23 taong gulang.

Sa report ng Puerto Princesa City Police Office, kasama ng kapatid ng suspek na si Rena Mae Garcellano ang kasintahan nito sakay ng motorsiklo, mula sa Wescom Road, at pagdating ng magkasintahan sa nasabing lugar ay lumapit ang grupo ng biktima sa dalawa na ikinatakot ng babae kaya agad itong umuwi at nagsumbong sa kuya nito.

Dahil dito, mabilis na tumungo si Ryan sa lugar na nabanggit at pagdating ay sinaksak nito ang biktima sa likuran.

- Advertisement -

Agad namang dinala ang biktima sa isang ospital, habang isinurender naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek sa Police Station 1.

Previous article12 cases of Omicron BA.2.12.1 detected in Palawan
Next articlePALECO creates task force to address late bill deliveries
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.