Naaresto ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga ang isang lalaki sa Sityo Iratag, Barangay Irawan, habang ito ay nasa akto nang pamumutol ng kahoy.
Ang suspek ay kinilala ni P/Maj. Mhardie Azares, tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na si Feliberto Pariño Vicente, Jr., 29 anyos, at isang tricycle driver na residente din sa nasabing barangay.
Sabi ni Azares, naaktuhan siyang namumutol ng kahoy bandang 11:30 ng umaga ng November 10 ng pinagsanib na puwersa ng PPCPO, City Investigation and Detection Management Unit (CIDMU), Anti-Crime Task Force (ACTF), at Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS).
“Kaninang umaga ay nahuli itong si Vicente sa violation of RA 9175 o Chainsaw Act at the same time ay violation din ng Presidential Decree 705 o anti-illegal logging law,” sabi ni Azares sa panayam ng Palawan News.
Nakumpiska mula sa kanya ang isang chainsaw na hinihinalang walang kaukulang dokumento.
Si Vicente ay nasa kustodiya ngayon ng PPCPO para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.