Roberto Masdol Baer, residente ng Brgy. Rio Tuba. | Larawan mula kay Winalyn Ariñez.

Alam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking natagpuang patay sa Sityo Gotok, Barangay Sandoval sa bayan ng Bataraza noong Biyernes (March 26) ng umaga, pati na rin ang suspek na pumaslang dito.

Kinilala ang 33 anyos na biktima na nagtamo ng saksak sa gitnang bahagi ng katawan na si Roberto Masdol Baer, residente ng Brgy. Rio Tuba.

Ayon sa report ng Bataraza Municipal Police Station (MPS), 11:30 ng umaga ng Marso 26 nang makatanggap sila ng tawag mula sa kapitan ng Sandoval na si Eddi Catague kaugnay sa natagpuang  katawan ng isang lalaki sa damuhang parte ng national highway ng Gotok.

“May witness na tayo, hindi lang kasi nag-iisa itong victim. Dalawa sila, at ang isa na nagsisislbing witness natin, may tama din siya. May saksak din, pero hindi naman fatal,” pahayag ni Bataraza MPS acting chief P/Lt. Michael Von Agbisit.

Dagdag pa ni Agbisit, pauwi na ang biktima kasama ang hindi pa pinangalanang kaibigan nito ng harangin ng suspek.

“Lumalabas kasi sa imbestigasyon na napagtripan lang sila. Pauwi na sila noong gabi ng (Marso) 25, sakay ng motorsiklo ng harangin sila ng isang tricycle sakay ang mga suspek, na ang ilan ay nasangkot na talaga sa gulo, na nasampahan na din ng kasong robbery at saka theft,” dagdag ni Agbisit

Samanatala, sinampahan na din ng kasong murder ang hindi na pinangalanang suspek na ngayon ay pinaghahanap pa din ng mga pulis.

Previous articleLibreng gamit ng laptop at internet, patuloy sa Brooke’s Point
Next articleResidente ng Taytay, sugatan sa pananaga ng tiyuhin sa inuman