Isang lalaking nakitang nakikipag-inuman lang kagabi sa Barangay Sta. Lucia, Puerto Princesa City, ang natagpuang patay kaninang alas sais ng madaling araw, Marso 15, ayon sa ulat ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS-2).

Ang biktima ay kinilalang si Belendro Binabese Bermudez, 57, residente ng lugar. Natagpuan siya sa Purok Zigzag I sa natura rin na barangay.

Ayon kay P/Maj. Noel Manalo, hepe ng PS-2, nagpapakain ng kanyang alagang manok ang residente na si Armando Blanca Malubay ng napansin nito ang katawan ni Bermudez na nakahandusay lang sa daan patungo sa kanilang bahay.

- Advertisement -

Sa imbestigasyon pa ng pulisya, sinabi umano ng live-in partner ni Malubay na si Babylyn Sabdani Lumbay na Lunes lang ng gabi, Marso 14, ay kainuman pa ni Bermudez ang isang nagngangalang Edward Bautista, alyas Nognog, sa painuman sa kanilang lugar.

Nabanggit din ng babae sa imbestigasyon ng pulis na nagkaroon diumano ng argumento sa pagitan ng biktimang si Bermudez at ni alyas Nognog.

Napag-alaman pa rin ng pulisya na madaling araw pa lang ng Martes ay umalis an si Nognog sa lugar.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.

Previous articleEnvironmental stakeholders to conduct recovery study in forests damaged by Odette
Next articleProv’l legislators looking to help commuters after transport terminal moves to Brgy. Irawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.