Isinugod sa pagamutan ang biktima na si Don-Don Villacarlos, 30, matapos siyang barilin ng kaalitan habang nakatayo sa harap ng isang establisyemento sa Brgy. Cabigsing, Cuyo, noong hapon ng November 24.

Ang suspek sa pamamaril ay kinilalang si Teofisto Torres, 33, sa report ng Cuyo municipal police.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakatayo si Villacarlos sa harap ng Charlie Marketing nang bigla na lang itong barilin diumano ng suspek na si Torres sa kanang bahagi ng dibdib at likod, at pagkatapos ay tumakas na ito palayo sa lugar.

Ayon kay P/Lt. Marvin Herrera ng Cuyo police station, may dati na palang alitan ang dalawa.

“May dati na silang alitan. Nagsimula lang ‘yan sa inuman, tapos trip trip kapag nalasing, hanggang humantong na sa pamamaril kanina. May impormasyon kami na lasing siya noong pamamaril, pero itinatanggi niya,” ayon sa pahayag ni Herrera kahapon din.

Naaresto si Torres matapos ang isang manhunt operation, ngunit hindi na narekober ang baril na ginamit nito.

About Post Author

Previous articleDismissal of Jovelyn Galleno case “not the end of the line” for City PNP
Next articleTarahomonan Festival dalawang linggong ipagdiriwang sa Busuanga
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.