Isa ang naaresto ng pasukin ng mga operatiba ng Cuyo Municipal Police Station (MPS) ang iligal na tupada sa Barangay Tucadan sa nasabing bayan, 12:30 ng Linggo ngtanghali, May 16

Ang inaresto ay kinilalang si Benjie Palao Montilla, 47, ang nag-iisang naiwan habang mabilis na nakatakas ang kanyang ibang mga kasamahan.

“Siya lang ang makakasuhan natin dahil ayaw niya naman sabihin [kung sino] ang mga kasama niya. Hindi daw niya mga kilala, hindi din natin siya puwedeng pilitin,” ayon sa hepe ng Cuyo MPS na si P/Lt. Marvin Hererra.

Ayon pa dito, mabilis nilang tinungo ang lugar matapos makatanggap ng report kaugnay sa tupada na walang pahintulot. Ngunit papasok pa lang sa lugar ang mga pulis, agad nang nagsitakbuhan ang mga mananabong, habang nakorner naman si Montilla.

Mahigpit na ipinagbabawal ang tupada sa ngayon, dahil nilalabag nito ang minimum health protocols na pinaiiral ngayong panahon ng pandemya.

Previous article5 Palawan towns warned by DILG for rampant illegal fishing activities
Next articleBrooke’s Point LGU magpapatupad ng 30% work arrangement sa mga empleyado
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.