Isang lalaki ang inaresto ng tauhan ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) matapos na magpaputok ng baril sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Poblacion District I, dakong 11:10 kagabi, Abril 3.

Ang suspek ay kinilalang si Joseph Celoso Pestaño, 47, isang dating overseas Filipino worker (OFW).

Ayon sa imbestigasyon, nagalit si Pestaño matapos na may nambato sa kanyang bahay kaya lumabas ito at nagpaputok ng tatlong beses.

Nakumpiska sa kanya ang isang Jericho 941 PL Cal. 9mm Pistol,  na may Serial No. 39317054, isang magazine at dalawang bala.

Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Brooke’s Point MPS. Iprinisinta naman nito ang kanyang License to Own and Possess Firearm (LTOPF) at registration ng baril.

Previous articleWalong indibidwal na may kasong iligal na pangingisda sa Narra, arestado
Next articleContinued presence of Chinese flotilla reveals intent to occupy more WPS features
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.