- Advertisement by Google -

Kalaboso ang inabot ng isang lalaki matapos na hindi magbayad sa ipina cash-in nito sa Gcash sa isang tindahan sa Barangay Tagburos sa Puerto Princesa kahapon, September 11.

Base sa report ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), nagpa cash-in ang suspek na kinilalang si Roger Santos Gauna Caber sa V-Ros Store ng halagang P2,200.

Nang mai-transfer na umano ang pera sa kanyang Gcash ng tindahan na pag aari ng isang Elsid Siriban, at saka pa sinabi ng suspek na hindi sapat ang kanyang pera o cash para ipambayad sa biktima.

Sinabi pa diumano ng suspek na aalis lang ito saglit at iiwan ang gulong ng sasakyan para kumuha ng pera, ngunit hindi ito pinayagan ng biktima.

- Advertisement -

Sa halip ay tumawag ito ng tulong sa barangay, at saka ipinadampot ang suspek sa mga tanod. Dinala ito sa Police Station 1 para sampahan ng kasong swindling.


ADVERTISEMENT


#AHealingPlace – Are you having trouble breathing? Visit your doctor now and get tested with our newly opened Pulmonary Care Services only here at Adventist Hospital Palawan. One of the Top 10 Best Hospitals in the country.

CALL US!
0915-788-8863 | 0966-442-9144
Stay Safe and Healthy!

#AHealingPlace

#AdventistClinic

#AdventistHospitalPalawan

#AdventistDialysisCenterBrookesPoint

Home of Love, Joy and Happiness

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleAFP modernization budget bumped up to P40 billion
Next articlePALECO appeals for NEA to speed up completion of evaluation process to hire GM
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.