- Advertisement by Google -

Patay ang isang 42 taong gulang na lalaki noong gabi ng Sabado sa bayan ng Quezon matapos maaksidente dahil sa ito ay nagmaneho ng lasing, ayon sa ulat mula sa Police Provincial Office (PPO) ng Palawan.

Base sa imbestigasyon na isinagawa ng municipal police station sa munisipyo ng Quezon, nasawi si Mark Anthony Parangue Echanez, na nagtratrabaho sa Berong Nickel Corporation (BNC), matapos niyang mabangga ang drainage barrier sakay ng isang Honda XRM na itim sa Berong Proper at mag-crash bandang 10:30 kagabi, July 30.

Ayon pa sa police report, walang license plate ang motorsiklo ng biktima, at wala rin itong driver’s license.

Pagdating ng mga rumespondeng grupo sa lugar kung saan nangyari ang aksidente, naialis na rin ang motorsiklo nito at siya ay dinala sa kanyang bahay, ngunit dahil sa tinamong seryosong pinsala sa ulo ay nasawi ito.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePBBM emphasizes need for ‘disaster-proof’ planning
Next articleWALANG MAG-MOMOVE ON! Alden Richards gives Maine Mendoza’s engagement photos a ‘heart’