Isang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Linapacan Municipal Police Station (MPS) matapos na maaktuhan itong may bitbit na chainsaw sa Barangay New Colaylayan, bandang 6:15 ng gabi noong Huwebes, Mayo 13.

Ang suspek ay kinilalang si Kimuel Ando Meradures, 27 taong gulang, at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay P/Lt. Alan delos Santos, hepe ng Linapacan MPS, inikot nila ang lugar matapos na makatanggap ng report na mayroong nagsasagawa ng illegal logging.

“Nagkaabutan na lang sila sa isang daan na may dalang chainsaw, galing na siya sa bundok,” pahayag ni Delos Santos.

“Tiningnan kung may lisensya siya at walang maipakita kaya inaresto na namin agad siya,” dagdag niya.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 7A ng Republic Act 9175 dahil sa pagdadala ng chainsaw na walang kaukulang permit at may parusa na pagkakakulong ng apat hanggang anim na taon o pagbabayad ng multang P15,000 hanggang P30,000.

Previous articleAng kuwentong Covid ni Local Case No. 111 ng Brooke’s Point
Next articleDurian Park bubuksan ngayong araw sa Brooke’s Point
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.