May opera sa bahaging ulo si Jessmark at nakakaranas ng anxiety at depression dahil sa kaniyang nararamdamang sakit ayon sa kaniyang kapatid.(Larawan mula kay Rea Sula)

Nakauwi na sa kaniyang pamilya sa Poblacion sa bayan ng Narra si Jessmark Gawat, matapos na mapaulat ito na nawala sa loob ng dalawang araw mula nang umalis noong araw nang Martes, Enero 18.

Si Jessmark ay natagpuang ligtas sa Brgy. Bancalaan sa bayan ng Balabac, dalawang araw matapos na iulat ng kaniyang kapatid na si Michel na nawawala mula ng umalis at hindi nila malaman kung saan pumunta.

Dagdag ni Michel, may opera sa bahaging ulo si Jessmark at nakakaranas ng anxiety at depression dahil sa kaniyang nararamdamang sakit.

“Operado ang aming kapatid at hindi niya alam ginagawa niya. Matagal nang umaalis yan pero ngayon lang nangyari ulit at nakarating pa sa Balabac,” pahayag ni Michel.

- Advertisement -

Dagdag ni Michel, noong Martes ng umaga ay nagpaalam ang kaniyang kapatid na magpapaayos lamang daw ng kaniyang motorsiklo sa bayan ngunit hindi na ito umuwi.

“Hinanap na namin siya, pinuntahan namin doon sa bahay na tinitirahan niya pero wala siya doon, kaya nag-alala na kami kasi may maintainance pa yan siyang mga gamot,” aniya.

Dahil dito, araw ng Miyerkules ay nag-post na siya sa kaniyang Facebook patungkol sa kaniyang nawawalang kapatid.

Noong araw ding iyon ay may mga residente ng Brgy. Bancalaan na nagpadala sa kanilang mensahe na nasagip ang kaniyang kapatid sa karagatan sa pagitan ng Brgy. Buliluyan, Bataraza at ng isla ng Bancalaan.

“Umalis pala siya dito, nag-motor siya papuntang south. Nakarating siya sa Buliluyan. Batay sa kwento sa amin, nagtali siya ng mga bunga ng niyog at mga plastic at yon ang ginawa niyang pampalutang para makarating sa kabilang isla. Hindi rin agad napansin ng mga taga-doon,” kwento ni Michel.

“Na-rescue siya ng mga mangingisda sa dagat, Miyerkules ng hapon at dinala sa Bancalaan at doon na pinatuloy sa kanila,” dagdag niya.

Matapos na matanggap ang impormasyon sa nawawalang kapatid, agad na nagtungo si Michel sa Buliluyan upang sunduin ito at iuwi sa kanilang bahay sa Narra.

Araw ng Huwebes ay inihatid ng mga nakasagip na mangingisda si Jessmark sa pier ng Buliluyan at doon siya sinundo ni Michel.

“Nagpapasalamat ako sa mga taga-Bancalaan na tumulong sa kapatid ko, sa mga Coast Guard at sa mga mangingisda, na buhay po ang aming kapatid at nakauwi kami ng payapa dito sa Narra,” pahayag niya.

Previous articleDigitalization to ease inflation in the long run
Next articleSmart engineer spends birthday restoring services in typhoon-hit Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.