Dec 5, 2020

Lalaking dati ng inaresto dahil sa droga, arestado ulit sa buy-bust

Kinilala ang suspek na si Elysummer Requiron, 37. Noong 2010 ay naaresto na umano ito dahil din sa pagbebenta diumano ng shabu pero na-dismiss ng korte ang kaso.

Suspek na si Elysummer Requiron, 37, na nahuli sa isang buy-bust operation ng CPDEU.

Isang lalaking naaresto na noong 2010 dahil sa iligal na droga ang muling inaresto ng mga pulis matapos makumpiskahan ng may P7,000 na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation, gabi ng Miyerkules, sa Barangay Bancao-Bancao.

Kinilala ang suspek na si Elysummer Requiron, 37. Noong 2010 ay naaresto na umano ito dahil din sa pagbebenta diumano ng shabu pero na-dismiss ng korte ang kaso.

Inaresto siya sa Gacott Road sa Bancao-Bancao bandang alas sais ng gabi, October 21, matapos magtangkang tumakas at habulin ng mga operatiba ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU).

Ayon kay P/Lt. Noel Manalo, hepe ng CPDEU, mula Petron Station sa may Lagan Road at Rizal Avenue ay nagkabilihan sana ang kanilang asset at si Requiron, pero nakatunog ito at biglang tumakas sakay ng motorsiklo.

“Pagdating ng Rizal Avenue sa Petron, noong nagkaabutan na, biglang nakaramdam yong target natin at nagawa niyang makatakbo. Nakarating siya sa lugar na kinatatayuan (Gacott Road) natin ngayon,” sabi ni Manalo.

Itinatanggi naman ng suspek na sa kanya nakabili yong mga asset ng pulis ng sinasabing shabu.

Ang sabi nito sa mga pulis ay wala siyang dalang shabu, pero sa kanya nakabili ang mga asset ng CPDEU ng malaking sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry