Larawan mula sa Police Station 2

Dalawang lalaki ang inaresto ng pulisya matapos aksidenteng pumutok ang baril na kanilang pinag-aagawan habang nag-iinuman at tamaan ang isa pang lalaki na napadaan lang sa lugar kasama ang live-in partner nito sa Barangay Pulot Center, Sofronio Espanola, bandang 4:20 ng hapon noong June 4.

Kritikal ngayon sa ospital ang biktima na si Randy Dela Cruz Yanong, habang ang mga suspek naman na inaresto ay kinilala na sina Ronald Bellorente Caabay, 23, at Gerardo Baybayan Rebugio, 51.

Ayon sa imbestigasyon ng Sofronio Espanola Municipal Police Station (MPS), si Yanong at ang live-in partner nito na hindi na nabanggit ang pangalan ay pumasyal sa isang boarding house sa Pulot Center na kalapit lang ng bahay kung saan nag-iinuman ang mga suspek ng ito ay aksidenteng matamaan ng bala.

Sa pahayag ng hepe ng nasabing MPS na si P/Lt. Nollie Vergara, walang away na pinagmulan ang nangyari. Sa katunayan, kaanak pa ni Yanong ang isa sa mga suspek.

- Advertisement -

“Walang galit o ano mang gulo, parang naging reckless lang sila sa loob ng bahay, aksidente lang talaga, sa loob sila ng bakuran,” pahayag nito.

Ang baril ay pagmamay-ari ni Rebugio na inagaw diumanong bigla ni Caabay noong hapon na mangyari . Tinangka itong kunin ni Rebugio, ngunit nauwi ito sa pagtututok sa kanya ni Caabay ng baril na kalaunan ay aksidenteng nakalabit ang gatilyo kaya pumutok at tinamaan ang biktima na noon ay nasa malapit lang na boarding house.

Dahil sa nangyari, agad na isinugod ang biktima sa Sofronio Espanola District Hospital, para sa agarang medikasyon, ngunit agad na piinayuhang dalhin sa Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point dahil sa natamong tama ng baril sa kaliwang dibdib.

Narikober sa lugar ang isang piraso ng inside holster at isang unfired ammunition, habang itinurn-over naman ng isang Kenneth Rebugio sa istasyon ng pulis ang isang .38 kalibre ng Smith & Wesson na baril, at limang basyo ng bala.

Ang dalawang suspek ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries at paglabag sa umiiral pa rin na gun ban.

Hanggang sa isinusulat ang balita na ito ay wala pang update kung ano na ang kalagayan ng biktima.

Previous articleP20 per kilo of rice possible under mega farm concept: DAR
Next articleCapitol to give P200,000 aid to municipalities for Baragatan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.