Sep 26, 2020

Lalaki, tinaga sa San Manuel

Ang biktimang si Sweet Joy o Wang wang Tiangao kasama ang kaibigan nitong si Joey Odtohan sa ospital habang ito ay nagpapagaling. (Photo Courtesy of Joey Yadao Odtohan)

Nagsasagawa nang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pananaga sa isang lalaki na natagpuang duguan noong madaling araw ng Huwebes sa national road sa Brgy. San Manuel.

Ang biktima ay kinilalang si Norwyn Tiangao, alyas “Sweet Joy” at “Wang Wang”, na residente ng Brgy. San Pedro.

Sa panayam ng Palawan News sa kaibigan ni Tiangao na si Joey Odtohan, hapon ng ikaw-17 ng Hulyo ay pumasok ito sa isang bar malapit sa Massway sa San Manuel.

“Kanina noong magising siya tinanong ko sa kanya kung saan siya galing at kung sino kasama niya para masabi niya sa akin kung sino ang tumaga sa kanya. Lalaki raw pero hindi niya raw kilala at hindi niya alam kung taga saan. Dahil sa kalasingan niya, ang natatandaan niya lang ay pumasok siya sa may bar malapit sa Massway,” paliwanag ni Odtohan noong Huwebes.

Sabi ni Odtohan, lumabas daw si Tiangao mula sa bar at naglakad ng bigla na lang raw may tumaga sa kanya. Hindi nito nakilala ang suspek dahil agad rin siyang nahilo at humiga na lang sa tabi ng kalsada.

Naalala rin ng biktima na lumakad pa siya hanggang sa malapit sa Go Hotel, pero dahil nga may sugat ay maraming dugo na ang nawala sa kanya kaya siya nanghina.

Ang mga personnel ng Kilos Agad Action Center (KAAC) ang nagdala dito sa Palawan Adventist Hospital (PAH).

Sabi ni Odtohan, nagtamo si Tiangao ng sugat sa balikat na may habang halos isang pulgada.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry