Isang lalaki ang sugatan, samantalang ligtas naman ang kasama nito, matapos silang tambangan at pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang binabagtas nila ang kalsada sakay ng motorsiklo sa Sitio Langayan, Barangay Poblacion sa bayan ng Taytay, northern Palawan.

Ayon sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) sa Palawan noong Lunes, naitala ang pamamaril sa mga biktima na sina Alejandro Padon Macula, 31, at Aiza Cristine Casañere Balila, 33, bandang 6:50 ng hapon noong June 16 habang sila ay papauwi sa Brgy. Caneque kung saan sila kapwa residente.

Si Macula ay nagtamo ng sugat sa kaliwang balikat dahil sa tama ng bala, samantalang si Balila ay ligtas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Municipal Police Station (MPS), ayon pa sa PPO sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, ay inihayag na habang binabaril ay tuloy tuloy lang ang pagpapatakbo ni Macula hanggang sa marating nila ang Dream Resort sa Brgy. Poblacion at humingi ng tulong sa security guard.

- Advertisement -

Dinala si Macula at si Balila ng Taytay MDRRMO response team sa Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) para sa karampatang medical treatment.

Patuloy na nagsasagawa ang Taytay MPS ng manhunt operation para tukuyin ang pagkakakilanlan ng suspek.

Previous articleFamily to donate organs of Filipino lawyer slain in US
Next articleRabbit raisers see potentials of meat-based products