Isang lalaki ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang pader sa Dagot Road, Barangay San Manuel, araw ng Lunes, Marso 8.

Ang biktima ay kinilalang si Alvin Deza, 23, residente ng nabanggit na barangay. Siya ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos madaganan pa ng kanyang motorsiklo.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang patakbo ng biktima, na papauwi na sa kanyang tinutuluyang bahay sa Dacanay Road, nang maganap ang aksidente.

Agad na nadala sa ospital ang biktima kung saan siya ngayon ay naka-confine pa rin at nagpapagaling.

“Sa ngayon po ay nasa Ospital ng Palawan ang lalaki, at sa palagay ko po may head injury siya kasi nauna ang ulo niya roon sa may pader tapos sabi ng ibang witness na nauna sa amin, nadaganan siya ng sarili niyang motor sa parteng dibdib at mukha,” pahayag ni Edwin Entroleso, tanod ng nasabing barangay na isa sa mga rumesponde sa insidente.

- Advertisement -

Previous articleCity government setting up own COVID-19 testing lab
Next articleImbentor, mananaliksik sa MIMAROPA hinihikayat na sumali sa 2021 RICE