Ang sugatang lalaki habang nilalapatan ng pangunang lunas

Sugatan ang isang lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang kotse sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tiniguiban, Biyernes ng umaga, Marso 5.

Ang biktima na kinilala lamang sa alyas na Mak, 31, residente ng Brgy. Bancao-Bancao ay patungo sana sa Panitian, Quezon upang bisitahin ang mga magulang kasama ang kaibigan na si Jonathan, 33.

Habang binabaybay nila ang national highway sa Brgy. Tiniguiban ay bigla umanong sumulpot ang kotse galing sa parking lot at umatras para lumiko patungong bayan subalit hindi agad ito napansin ng biktima. Aminado naman ang biktima na mabilis ang kanyang takbo kaya pag-preno ay nagpagiwang-giwang ito sa gitna ng kalsada hanggang sa bumangga na sa kaliwang bahagi ng kotse.

“Biglang sumulpot iyong sasakyan. Nag-preno naman ako pero bumangga pa rin ako sa left side ng sasakyan at umikut-ikot. Galing kaming bayan, at papunta sana ng Quezon,” pahayag ni Mak.

“Iyong kotse ay magba-backing sana, nandoon na tayo na nag-hazard siya pero alanganin talaga iyong liko niya. Sinusundan lang namin siya. Umikot na siya papunta sana sigurong bayan which is dapat babalik or aatras siya, kaya nahagip iyong left side ng sasakyan niya,” ayon naman sa kaibigan nito na si Jonathan.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang braso, kaliwang palad, kaliwang tuhod at bandang likod si Mak subalit hindi na ito nagpadala sa hospital at tumungo nalang sa Police Station 2 kasama ang suspek na hindi na nagpakilala para pag-usapan na lang ang nangyari.

About Post Author

Previous articleDress up your desk with SM stationery
Next articleSinovac vaccines for Palawan frontliners arrive