(Larawan mula sa Google Maps)

Isang lalaki ang isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng saksak sa Purok Adelfa, Barangay Binga, sa bayan ng San Vicente kaninang ala una ng madaling-araw, Huwebes, Enero 20.

Ang biktima ay kinilalang si Marvin Pandenola Talimbay, 21 taong gulang, habang ang suspek naman ay kinilalang si Joel Cabalsinto, 24, at residente ng Barangay Banbanan, Taytay.

Ayon kay P/Maj. Starsky Timbancaya, hepe ng San Vicente Municipal Police Station (MPS), kapwa lasing ang dalawa ng magkasalubungan at masangkot sa gulo.

Ang biktima ay kinilalang si Marvin Pandenola Talimbay, 21 taong gulang. (Larawan mula sa PPO)

Pauwi na ang biktima kasama ang kanyang kaibigan nang makita nila ang isang kakilala na may kaaway.

- Advertisement -

“Nakita nila yung isang kaibigan nila na may ka diskusyunan sa lugar, umawat siya, tapos bigla na lang siyang inatake ng suspek, saka sinaksak,” pahayag ni Timbancaya.

Agad namang dinala ang biktima sa Taytay District Hospital kung saan ngayon ay nasa maayos na itong kalagayan, samantalang ang suspek naman ay agad na tumakas matapos ang pananaksak.

Naihanda na rin ng pulisya ang mga kaukulang dokumento para masampahan ng kasong frustrated murder ang suspek.

“May mga witness na nagturo sa suspek at sasampahan na ng kaso sa pamamagitan ng regular filing, ani Timbancaya.

Previous articleMangkukulam and libel
Next articleEcoWaste Coalition exposes falsely labeled “lead-free” paints
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.