Nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang isang lalaki matapos mahulog mula sa isang pampasaherong bus sa Barangay Calasaguen, Brooke’s Point, dakong ala una nang hapon, araw ng Sabado, October 30.

Ayon kay Calasaguen barangay chairman Singapore Juratil, ni-respondehan ang lalaki at dinala sa Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) upang malapatan ng lunas.

Ang lalaking nahulog mula sa pampasaherong bus sa Brooke’s Point.

Hindi na pinangalanan ni kapitan Juratil ang lalaking naaksidente, ngunit ayon sa kanya, sinasabing ito ay may karamdaman sa pag-iisip.

“May problema raw ito sa pag-iisip. Papunta sa south ang direction ng bus pero walang makapagsabi kung saan ito sumakay. Sabi lang nang nakakita sa barangay ko, taga Sofronio Española raw siya,” pahayag ni Juratil.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat hinggil sa kanyang kalagayan sa ospital.

Previous articleSSS extends calamity assistance to members, pensioners affected by Typhoon Fabian
Next articleAre you ready for this? The Witcher Season 2 premieres December 17 on Netflix
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.