Ang biktima na kinilalang si Elmer Menrajal Salbosa ay makikita sa larawan na ito habang ginagamot sa ospital. (Photo from Palawan Police Provincial Office).

Masuwerteng nakaligtas ang isang lalaki sa pananaksak sa kanya habang bumibili sa tindahan sa Barangay Taritien, sa bayan ng Narra, pasado 5:30 ng hapon, Linggo, Marso 27.

Ayon sa ulat ng Narra Municipal Police Station (MPS), ang biktima na kinilalang si Elmer Menrajal Salbosa, 34, ay sinaksak ng suspek na si Vicente Aquino Ducero, Jr., 22, sa Purok Magsasaka sa Taritien dahil sa matagal nang alitan.

Nakatakbo ang biktima na nagtamo ng saksak sa likurang bahagi nito, para humingi ng tulong sa pamilya at nagpapagaling na. Si Ducero ay nasa kustodiya naman ng Narra MPS.

About Post Author

Previous articleMIMAROPA’s 3 most wanted, arrested in Palawan and Marinduque
Next articleIronman 70.3 event in PPC officially announced
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.