Nagtamo ng pitong saksak sa katawan ang isang lalaki matapos na hindi sila magkasundo ng kanyang mga kasama na magkaroon ng patas na hatian sa kita mula sa sugal sa isang lamay noong Biyernes, November 18, sa Brgy. New Barbacan sa bayan ng Roxas.

Nakilala ang 33 taong gulang na biktima na si Louie Mahinay Nape, samantalang ang mga suspek naman ay sina Erick Jaranilla Sombeto at Beto Jaranilla Sombeto, pawang mga residente ng Brgy. Lio sa bayan ng El Nido.

Base sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, naka upo sa waiting shed ang biktima ng atakihin ito ng mga suspek at undayan ng pitong sunod sunod na saksak.

Agad namang naisugod ang biktima sa pagamutan habang nakatakas ang dalawang suspek.

Narekober sa lugar ang 8 pulgadang patalim na ginamit sa pananaksak sa biktima.

Kasalukuyang pinaghahahanap na ng pulisya ang dalawa na kakaharap sa kasong frustrated murder.

About Post Author

Previous articleMen should be more involved in Family Planning, POPCOM says
Next articleCapitol reiterates being ‘plastic-free’
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.