Lalaki patay sa pananaksak sa Brooke’s Point


Patay sa pananaksak ang isang 42 anyos na lalaki sa Brooke’s Point noong madaling araw ng June 24.

Kinilala ang biktima na si Reynante Labor, residente ng Barangay Unis Mataha, Cagayan de Tawi-Tawi. Ang suspek sa krimen ay kinilalang si Madzlan Usman Madsam, taga-Barangay Oring-Oring, Brooke’s Point.

Ayon sa spot report ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente bandang 4 a.m. matapos dumayo ang biktima sa Oring-Oring para magbenta ng huling isda.

Uminom umano ang biktima kasama ang isang kaibigan ng bigla na lamang itong saksakin ng suspek.

Naisugod pa sa Leoncio General Hospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.

Ayon kay PO2 Ralph Calingayan, tila nakursunadahan lamang si Labor ni Madsam. Kasalukuyang hinahanap pa ng mga pulis ang naturang suspek.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...