Patay ang 43 anyos na lalaki matapos itong pukpukin ng martilyo at tagain ng kaibigan nito sa Barangay Princess Urduja sa bayan ng Narra madaling araw kahapon, January 18.

Nakilala ang biktima na si Jundel Boscio Yabut, habang ang suspek ay kinilalang si Joven Agustino Anacleto, 47 taong gulang.

Ayon sa report ng PNP, base sa kwento ng anak ng suspek, patulog na sila ng dumating ang biktima sa kanilang bahay at nagpapabili ito ng alak sa kanya.

Tumanggi ang kanyang tatay na ikinagalit ng biktima.

Dahil dito ay pinaputukan nito ng dalang baril ang suspek ngunit hindi nito tinamaan.

Agad na nakakuha ng nasa 13 pulgadang haba ng martilyo ang suspek saka pinukpok sa ulo, bago ito tinaga sa dibdib gamit ang itak na bitbit din ng biktima.

Tama sa dibdib at kili kili ang tinitingnang dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang suspek na kakaharap sa kaukulang kaso.

About Post Author

Previous articleMahigit P3M na ayuda, ipinamahagi ng DSWD Mimaropa sa Ormin at Palawan
Next articleSan Vicente poised to become major destination again
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.