Isang lalaki ang namatay matapos bumangga ang minamaneho nitong motor sa kasalubong na tricycle sa bayan ng Narra, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing lalaki na si Carl Arik Estefan Aguilar, 23, at residente ng Barangay Antipuluan.

Ayon kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), nangyari ang aksidente na national highway palabas ng poblacion.

Nanggaling umano sa bayan ang biktima kasabay ang isang kasamahan na nakasakay sa isa pang motor nang may makasalubong silang dalawang motor at isang tricycle.

“Noong pauwi na sila, nasalubong nila itong mabilis na motor, dalawa, parang nagkakarera nga e, pagiwang giwang na,” ayon kay Remo.

Pagdating sa may tulay na katapat ng Prince Hypertmart sa bayan, nasagi nito ang dalawang motor hanggang sa bumangga ito sa tricycle na minamaneho ni Reynald Bacani Cayao, 35, mula sa barangay Calategas.

“Pagdating doon sa may tulay, naghiwalay sila, nasagi nitong [Aguilar] ang manibela ng isang motor gumiwang na siya, pag giwang niya nahagip naman niya ‘yong pangalawang motor, at noong sa tricycle na doon siya tumama, pagbagsak niya nadaanan pa ng tricycle,” dagdag pahayag ni Remo.

Nagtamo ng matinding tama sa ulo si Aguilar at dinala sa Narra Municipal Hospital ngunit idineklarang Dead on Arrival.

Nadala sa ospital sina Mailah Casidsid, drayber ng isa sa dalawang motor, at sina Mike Domondon at angkas nitong si Hexcell Hisona matapos magtamo rin ng mga sugat.

Nasa pangangalaga ngayon ng istasyon si Reynald Bacani Cayao.

Dagdag pa ni Remo maaring lasing si Aguilar dahil ayon sa mga nakakita ay malikot na ang pagmamaneho nito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Narra MPS sa pangyayari.

About Post Author

Previous articleDILG urges LGUs to pass ordinance vs discrimination of COVID-19 frontline workers
Next articleContact tracing puts more people as PUMs
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.