Lalaki patay sa aksidente sa Brooke’s Point

Kinilala ang nasawi na naputulan pa ng paa bilang si (Kanan) Alvin Abubakar. Ang angkas nito na si (Kaliwa) Bimboy Phuto ay nagtamo naman ng malubhang pinsala sa kaliwang hita.

BROOKE’S POINT, Palawan — Isang lalaki sa bayan na ito ang namatay matapos maaksidente sakay ang motorsiklo nito noong Linggo, bandang alas syete ng gabi, sa national highway sa Barangay Tubtub.

Kinilala ang nasawi na naputulan pa ng paa bilang si Alvin Abubakar. Ang angkas nito na si  Bimboy Phuto ay nagtamo naman ng malubhang pinsala sa kaliwang hita.

Base sa  impormasyong nakalap ng Palawan News, bumangga ang motor ng mga biktima sa barrier ng tulay na naging dahilan kaya naputol ang kaliwang paa nito.

Napag-alaman ng awtoridad sa inisyal na imbestigasyon na kapwa lasing ang mga ito.

“Mabilis po ang pangyayari, parehong lasing ang dalawa, medyo mabilis po ang takbo tapos sumalpok sila sa barrier,” ayon kay Ela Rodriguez, ang nakasaksi.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry