Home NEWS OF THE DAY Lalaki patay matapos saksakin ng kaibigan sa El Nido

Lalaki patay matapos saksakin ng kaibigan sa El Nido

10
0
Ang lugar kung saan nasaksak si Villanueva ng kanyang kaibigan

Isang lalaki ang nasawi matapos saksakin ng kanyang kaibigan sa Barangay New Ibajay sa bayan ng El Nido araw ng Sabado, Hulyo 3.

Ang biktima ay kinilalang si Edwardo Abrina Villanueva Jr., 43 taong gulang, habang ang suspek naman ay ang kaibigan niyang si Pablo Evita Guerrero, 43 taong gulang rin, parehong residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa police report na ibinahagi ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si P/Maj. Ric Ramos, pumunta ang biktima sa bahay ng suspek at siya ay sinigawan at hinamon ng suntukan.

Sinuntok ni Guerrero si Villanueva at pagkatapos ay sinaksak niya ito sa iba ibang bahagi, ayon pa sa ulat ng pulis.

Samantala, ayon naman sa pag-iimbestiga ng ilang opisyal ng Brgy. New Ibajay, sinugod ni Villanueva si Guerrero sa bahay nito matapos manggaling sa lugar na may may 200 metro lamang ang distansya kung saan ito nakipag-inuman.

Ikinuwento ng isang opisyal na tumangging magpakilala na matapos kusang loob na sumuko ng suspek sa barangay ay sinabi nito na nasaksak niya si Villanueva dahil habang siya ay natutulog ay bigla siyang pinagsasakal at sinuntok-suntok nito.

Nang tumayo si Guerrero para iwasan ang ginagawa ni Villanueva ay natumba ito malapit sa kutsilyo na kanyang dinampot at ginamit pangsaksak, pahayag pa ng opisyal ng barangay.

Nagawa pang makalabas ng biktima sa bahay ng suspek matapos ang pangyayari, ngunit hindi ito agad natulungan ng mga saksi dahil sa takot ng mga ito.

Idineklarang dead on arrival si Villanueva sa El Nido Community Hospital kung saan ito nadala. Ang suspek naman ay na kustodiya ng El Nido Municipal Police Station (MPS).

Previous articleEverything Palawan now under one app
Next articleTropical depression Emong expected to develop into a storm
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.