(TRIGGER WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Dead on arrival sa satellite clinic ang isang 56 taong gulang na lalaki matapos masagi ng van ang nakaparada niyang top down tricycle sa tabi ng kalsada at siya ay tumilapon, bandang alas 9 ng umaga kahapon sa Barangay Manalo.

Nangyari ang aksidente na ikinasawi ng biktima na si Nestor Batoon na naghatid lamang umano ng kanyang bayad sa Card Loan noong October 24 sa Brgy. Manalo, ayon sa kuwento sa Palawan News ng nakasaksi sa aksidente.

Hawak na ng Police Station 1 ang driver ng van na si Eduardo Bangayan 53, na posibleng masampahan ng kaso ngayong araw.

“Naghatid lang ng payment sa card loan. Pumutok kasi ang gulong ng van, at siya ang nasagi,” pahayag ng saksi na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Nadala pa ang biktima sa Salvacion satellite clinic kung saan idineklara itong dead on arrival.

Depensa ng driver ng Toyota Hi-ace van sa mga pulis, patungo sana sila ng San Rafael nang pumutok ang unahang gulong ng sasakyan at nawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho.

About Post Author

Previous articleFormer Miss Puerto Princesa crowned Mrs. Universe-Australia 2022
Next articlePDRRMO holds jungle survival training
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.