Makikita sa larawan ang motorsiklo ng biktima na si Ansel Odadi Angel sa national highway sa Barangay Ocayan, Bataraza, matapos itong madisgrasya at mabangga pa ng sasakyan. |Photo by Bataraza MPS

Patay ang isang 24 taong gulang na lalaki matapos madisgrasya ito sa sinasaksayang motorsiklo at mabangga pa ng sasakyan sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Ocayan sa bayan ng Bataraza, Huwebes ng gabi, Agosto 5.

Sa report ng Bataraza Municipal Police Station (MPS), binabaybay umano ng biktima na si Ansel Odadi Angel ang national highway sakay ng motorsiklo nito na Rusi 125 mula sa Timog patungo sa direksyon ng Norte nang mag-overtake ito sa isang sasakyan at mag-crash matapos mawalan nang control.

Hindi naman ito diumano napansin ng 21 taong gulang na si Dan Paul Gualon Morales na noon ay nagmamaneho ng isang Nissan NV350 Urvan kaya’t hindi sinasadyang nabangga si Angel.

Nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima, na agad dinala sa RTN Hospital kung saan binawian din ng buhay hindi kalaunan.

- Advertisement -

Nauna ding nadala sa Bataraza MPS ang suspek at sasakyan nito ngunit pinakawalan din matapos diumano na hindi na magsampa nang reklamo ang pamilya ng biktima laban dito.

Previous articleLGUs urged to pass ordinances requiring procurement and use of lead-safe paints
Next articleTabon Caves nananatiling sarado para sa non-residents ng Quezon
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.