Larawan mula sa Police Station 2 (PS 2)

Isang lalaki ang nasawi matapos na paghahampasin ng kainuman nito gamit ang isang kahoy sa Purok Maranat 3, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City, dakong 3:00 ng hapon nitong Linggo, Hunyo 5.

Ang biktima ay kinilalang si Teddy Catague Juanitez, 39 taong gulang, habang ang suspek naman ay kinilalang si Joey Achena Tamayo, 35.

Sa report ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS 2), sinabing pambu-bully ng biktima sa suspek ang naging ugat ng krimen.

Ayon naman sa source ng Palawan News, nagtalo ang dalawa dahil sa itlog na kinuha ni Tamayo sa tindahan kung saan bumili ito ng inuming alak.

- Advertisement -

“Bumili siya ng Gin sa tindahan, tapos, nakita ng biktima na may itlog siya at sinita siya (dahil) nalaman na kinuha lang niya yun sa tindahan, ninakaw. Sinabi ng biktima na dapat pinalista na lang saka binatukan niya yung suspek kaya nagalit ito at gumanti,” pahayag ng source.

Bago naganap ang krimen, alas siyete ng gabi noong Hunyo 4 pa nagsimulang mag-inuman ang dalawa sa barracks ng suspek kung saan nagta-trabaho ito bilang construction worker. Ala una ng hapon kinabukasan ay itinuloy daw ng dalawa ang inuman sa boarding house ng suspek.

Bago ang insidente ay pinaalis ng lalaki ang kanyang asawa papunta sa El Nido. Habang nag-aabang ang babae ng sasakyan, naisipan nitong bumalik sa kanilang tinutuluyan kung saan naabutan na nito ang kanyang asawa na nakahandusay at duguan ang ulo.

Agad namang tumakas ang suspek subalit namataan din ito ng mga barangay tanod at inaresto.

Ngayong hapon nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek

Previous articlePPCWD issues service interruption advisory
Next articleBabae putok ang ulo matapos hampasin ng kanyang lolo gamit ang airsoft gun
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.